Ang mga yamang tao ng bansang Pilipinas ay ang kanyang mamamayan. Pilipino ang tawag sa kanila. Ngunit iba't iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. Iba't iba rin ang tawag sa kanila. Isa sa mga ninuno ang mga Ita. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Karaniwang nainirahan sila sa Luzon. Ito ay sa mga bundok ng Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. May naninirahan din sa mga bundok ng Panay at Negros.
Tulad ng mga Ita, ang mga Ifugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Matatagpuan sila sa Mountain Province. Ang mga Ifugao ang nagtayo ng tanyag na hagdan-hagdang palayan dalawang libong taon na ang nakakaraan.
Ang isa pang pangkat ng Pilipino sa Luzon ay ang mga Ilokano. Karaniwang nakatira sila sa bandang hilaga ng Luzon. Ngunit may mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Naninirahan sila sa nga lugar na ito upang maghanapbuhay, ((kalakalan|mangalakal)), o mag-asawa. Matitipid at masisipag sila. Matatagpuan naman sa kalagitnaan at katimugan ng Luzon ang mga Tagalog. Sila ang pangalawa sa pinakamalaking pangkat ng Kristiyano sa Pilipinas.
Kilala rin ang mga Mangyan sa Luzon. Matatagpuan sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan sa kanila ay may panlabas na anyo at paraan ng pamumuhay na payak at tulad pa rin ng ating mga ninuno. Iba-iba rin ang pangkat ng Pilipino sa mga pulo ng Visayas. Isa na rito ang mga Cebuano na may pinakamalaking pangkat na nasabing rehiyon. Kilala sila sa katutubong awit na "Matud Nila" at sayaw na Rosas Pandan.
Taga-Visayas din ang mga Ilonggo. Kilala naman sila sa katutubong awit na Dandansoy at sayaw na CariƱosa. Mga Waray naman ang pangkat ng Pilipino sa Leyte at Samar. Ang ilan sa mga ito ay ang mga Badjao, Maranao, Tausug, T'boli, at Manobo. Nakatira sa baybay-dagat ang mga Badjao. Matatagpuan sila mula Zamboanga hanggang Sulu. Pangingisda ang pangunahing hanap-buhay nila.
Ang pangkat ng mga T'boli ay naninirahan sa Cotabato. Pagsasaka ang pangunahing ikina-bubuhay nila. [Ang Pangkat ng Katutubong (etnikong) dumagat sa Rizal at Quezon]- Ang pangkat ng katutubong ito ay di gaanong nakilala sa dahilang sila ay ibinilang na katulad sa mga aeta at negrito sa Luzon.Ang pangkat na ito ay naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Rizal,.Bulakan,Laguna at Quezon na pawang bahagi ng kabundukan ng SIERRA MADRE.Sila ay nahahati sa dalawang uri,ang una ay ang purong dumagat na nanatiling nakatira at nakabahag sa mga nabanggit na mga kabundukan at ang ikalawa ay tinatawag na redemtador o lahukang tagalog at dumagat na kilala sa katawagang katutubo,nakatira sa mataong lipunan sa rizal at bahagi ng Quezon.Ang katutubong dumagat ay isa sa natirang lahi ng tao sa pilipinas na nabibilang sa uri ng taong Indiya dahil sa pagkakaroon ng kaugnayan ng mga salita at paniniwala nito sa matandang kabihasnan ng Indiya.Ang katawagan sa kanila na DUMAGAT ay maaaring nagmula sa salitang RUMAKAT/LUMAKAT/LUMAKAD na isang maidadahilan na sila ang isa sa unang tao sa luson na nakarating sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa na nakadugsong sa Asya.Kung susuriin ang isa sa sinaunang lahi ng tao dito sa kapuluang pilipinas ay nagmula sa indiya na pinatunayan ng kasulatan sa tanso (Laguna Copperplate inscriptions 822 A.D,),ang ibayong pag aaral ng kultura at wika ng pangkat na ito ay magpapatibay sa panunuring ito.Halimbawa ng pangungusap sa dumagat ay ang salin sa "magandang umaga sa inyong lahat" -Masampat tabi abi di kitam mapesan!Ayon sa kanilang pagkakaalam,ang salita nila ay nahahati sa dalawa-isang pangkaraniwan at isang pang matanda o pangpitagan.Sa kasalukuyan tinawag itong "baybay"o pangkaraniwan at "Mangni" o pampitagan.
No comments:
Post a Comment