Showing posts with label ethnic. Show all posts
Showing posts with label ethnic. Show all posts

Friday, October 23, 2009

pangkat Itniko sa Luzon: Isinay

Isinay

Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mgaAinu ng bansangHapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.

Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.

pangkat Itniko sa Luzon: Ivatan

Ivatan

Mga mamamayan ng Batanesang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy.

Madalas na dinaraanan ngbagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon atapog. Mayroon itong maliliit na bintana.

Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.

Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.

pangkat Itniko sa Luzon: Isneg

Isneg

Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.

Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ngmais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa,gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.

Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko saCordillera. Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.

pangkat Itniko sa Luzon: Ibaloy

Ibaloy

Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan,Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet atTuba sa timog-silangan ngBenguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.

Ang mga Ibaloy aykayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatonglugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.

Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay,strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.

Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansangpamahalaan.

Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod.

pangkat Itniko sa Luzon: Ilongot

Ilongot

Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay,tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.

Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang

pangkat Itniko sa Luzon: kankana-ey

Kankana-ey

Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubundukinglalawigan ng hilagang Luzon. May dalawang pangkat ang Kankana-ey sa Mankayan, Bakun, Kubungan, Buguias at sa mataas na bahagi ngBenguet. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey. Kapwa sila kayumanggi, kadalasang may mga tatu, may malalaking mata at mauumbok na pisngi.

Mga magsasaka ang mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin sa gilid ng mga bundok. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng asoat lambat.

Walang pormal na pamunuang pulitikal ang lipunang Kankana-ey. Ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.

pangkat Itniko sa Luzon: gaddang

Gaddang

Tinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa NuevaVizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddangbagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili,bawang, tubo at iba pang gulayang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda, pangangaso at pagtitinda.

pangkat Itniko sa Luzon: Itawes

Itawes

Matatagpuan ang mga Itawessa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawes sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit nilang wika.

Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.

pangkat Itniko sa Luzon: Ifugao

Ifugao

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.

Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.

May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.

pangkat Itniko sa Luzon: mangyan


Mangyan

Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mgaMangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.

May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.

Sa kasalukuyan, sinauna pangalpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.

Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamoteang kanilang pangunahing pagkain.

pangkat Itniko sa Luzon: tagbanua

Tagbanua

Naninirahan ang mgaTagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso.

Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.

pangkat Itniko sa Luzon: Tinguian

Tinguian

Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ngpalay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila samusika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.

Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.